Abante Tonite Interactive

Suspek sa rape-slay kay Mabel ayaw umamin

By
32

Hindi pa rin ­umaamin sa pulisya ang ­panguna­hing suspek sa pagpatay at panggagahasa sa bank employee na si Mabel Cama.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) ­director Chief Supt. ­Romulo Sapitula, sa patuloy na interogasyon kay Randy Oa­venada, ­37-anyos, inamin ng ­suspek na hinawakan niya ang ­cellphone ng dalaga nang makita ang gadget sa lugar ng pinangyarihan ng krimen subalit hindi pa rin nito inaamin na isa siya sa mga gumahasa sa biktima.

Nakita ang fingerprints ni Oavenadasa cellphone ni Mabel kaya nadiin siya sa ­karumal-dumal na ­krimen.

Kamakailan ay ­sinampahan na ng ­kasong rape with ­homicide si Oavenada sa korte dahil paliwanag ng ­pulisya, mas matibay na ­katunayan umano ang ­nakuhang ­fingerprints na ­sangkot siya sa ­krimen ­kahit walang saksi na ­makakapagturo sa ­kanyang partisipasyon.

May dalawa pang ­magkaibang fingerprints na nakuha sa cellphone ni Mabel kaya patuloy pa rin ang imbestigasyon ng ­pulisya upang matukoy kung sino pa ang mga kasama ni Oavenada sa krimen.