Abante Tonite Interactive

Suspek sa rape todas makaraang nang-agaw ng baril sa Tarlac

By
1,654

Isang obrero na dinakip ng awtoridad dahil sa kasong panggagahasa sa isang 8-anyos na batang babae ang napatay makaraang mang-agaw ng baril ng pulis na magdadala sa kanya sa himpilan ng pulisya habang lulan ng patrol vehicle sa Barangay Sta. Rita, Capas, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Michael Francisco, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Sta. Rita, Capas na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Nabatid na dinakip kamakalawa ng pulisya ang suspek na si Francisco sa kanyang tinitirhan dahil sa reklamo ng isang mag-asawa na ni-rape umano ng suspek ang kanilang 8-anyos na batang babae kaya nagsumbong sila sa pulisya at kaagad na nagresponde at dinakip ang suspek.

Lumilitaw na biglang inagaw ng suspek ang baril ni SPO2 Theovasco Nolasco at tinutukan ng baril ang kanyang mga kasamahang pulis kaya hindi na nagdalawang-isip ang dalawa sa mga pulis at kanilang binaril ang ­suspek.