Abante Tonite Interactive

Suspek sa Sagay massacre itinago ng NPA

447

Nadiskubre ng pulisya ang ginawa umanong pagtatago ng New People’s Army (NPA) sa isa sa mga suspek na maaaring maging pangunahing testigo sa Sagay City massacre.

Natuklasan ito matapos ang naganap na sagupaan ng mga sundalo at NPA nitong Biyernes kung saan dalawa sa mga rebelde ang nasawi, ayon sa ulat ng Philippine Army (PA).

Sinabi ni Sr. Supt. Rodolfo ­Castil, police provincial director, na nagresulta ang engkuwentro sa pagkakatunton ng mga itinatagong tao sa bahay ng isang Elena Yap sa Purok Puting Bato, Brgy. Washington sa kalapit na Escalante City.

Matapos ang pakikipag-ugnayan sa barangay, nagpositibo umano na isa sa mga taong nandoon ay suspek sa Sagay massacre at isa sa importanteng saksi na makakapagbigay-linaw sa pangyayari.

Sadyang hindi pinangalanan ng pulisya ang suspek dahil maaaring maging banta ito sa kanyang buhay.

“It is clear that the NPA is using the community as a shield while collecting their revolutionary taxes and making their evil plans against the forces of the government,” pahayag ni Castil.

Kaugnay ng insidente, kinasuhan na ng murder sina National Federation of Sugarcane Workers (NFSW) recruiter Rene Manlangit at Rogelio Arguillo kasama ang pitong iba pa sa Sagay City prosecutors’ office.