Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek sa tinodas na reporter tiklo

0 95

Naaresto na ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Dennis Denora, ayon sa Presidential Task Force on Media Security.

Sa isang report na isinumite sa Malacañang ni Lt. Col. Verna Cabuhat, acting chief of police ng Panabo City Police Station, matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay Richard Posas Bolastig noong Pebrero 22 kaugnay sa pagkamatay ni Denora.

Nakakulong na si Bolastig sa Tagum City Jail.

Noong Hunyo 7, 2018 tinambangan at napatay si Denora ng dalawang gunman sa Panabo City.

Si Denora ay publisher din ng Davao del Norte-based community paper na Trends and Times. (IS/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.