Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspek timbog sa P1M kidnap for ransom

0 103

Kaboso ang isang Chinese national na sangkot umano sa pagdukot sa kanyang kababayan kapalit ng mahigit P1 milyong ransom matapos masakote sa entrapment operation sa Parañaque City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Liu Jinkai, 29-anyos, na inireklamo ng isang Fe Melana, 25, dahil dinukot umano ang kanyang live-in partner na si Ji Ming noong Hunyo 28 habang nasa Solaire Hotel and Casino sa Parañaque.

Agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan ay nakipagkita ang live-in partner ng biktima sa suspek sa isang establisimiyento sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Arestado ang suspek ng mga operatiba ng Parañaque City Police at pansamantalang nakakulong ngayon sa kanilang custodial facility para sa pagsasampa ng kaso sa piskalya. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.