Abante Tonite Interactive

Suspek tumimbuwang sa anti-drug operation

289

Patay ang isang magsasaka matapos na tangkaing agawin nito ang baril ng isang pulis sa anti-drug ope­ration sa Burdeos, Quezon kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang nasawi na si Dante Tancinco,­ 59-anyos,­ tubong Camarines Norte at dating drug surrenderee.

Batay sa report ng Burdeos Police, nagsasagawa ng surveillance ang mga pulis sa Brgy. Poblacion tungkol sa report ng nagaganap na illegal drug ­transaction sa nasabing lugar dakong alas-9:30 nang gabi.

Subalit nakahalata umano ang suspek na pulis ang isa sa kanyang katransaksyon kaya agad itong sinunggaban at pilit na inagaw ang service firearm nito.

Dahil sa pag-aagawan pumutok umano ang baril at tinamaan ang suspek na siyang agad ikinamatay nito. Nasugatan naman sa braso ang pulis.
Narekober sa nasawi ang isang sachet ng shabu. (Ronilo Dagos)