Abante Tonite Interactive

Suspek umaming pumatay sa 10-anyos na babae

290

Hindi na itinanggi ng suspek na siya ang pumatay sa 10-anyos na babae na nadiskubre ang katawan sa ilalim ng lababo sa Talisay City, Negros Occidental.

Inamin ng 20-anyos na si Almar John Durom ang ginawang pagpatay sa biktima na natagpuang nakagapos ang kamay at nakabalot pa ng plastic ang ulo sa bahay ng kanyang tito na binabantayan ng suspek at ng 17-anyos na kapatid nito sa Brgy. 14B.

Inutasan ang biktima ng magulang nito, Biyernes nang gabi, na kumuha ng resulta ng small town lottery sa kalapit na bahay ngunit hindi na umano ito nakauwi kaya naman hinanap na ito ng kanyang pamilya.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa suspek, inutusan umano niya ang biktima na itapon ang panis na salad sa ilog ngunit nang pumasok ito sa loob ng bahay ay pinatay niya umano ito sa hindi niya malamang dahilan.

Idiniin ng suspek na walang kinalaman sa krimen ang kanyang kapatid na nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development.