Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspendidong Bataan brgy kap tinadtad ng kaso

0 365

Nahaharap sa panibagong reklamo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang suspendidong kapitan ng barangay sa Bataan dahil umano sa pangha-harass sa isang babaeng kalugar sa loob ng kanilang barangay hall.

Inihain ni Evelyn Duma sa tanggapan ni DILG Undersecretary Martin Dino noong Mayo 27 ang kanyang reklamo laban sa suspendidong kapitan ng Brgy. Sumalo na si Rolando Martinez kung saan inaakusahan din ito ng pag-abuso sa kapangyarihan.

Nangyari umano ang insidente nang dadalo sana si Duma sa hearing ng barangay kaugnay ng kanyang kaso laban sa isang alyado ni Martinez.

“Nagtungo kami sa barangay hall dakong alas-6:00 ng gabi, para sa hearing, pero walang lupon sa barangay hall. Ang acting barangay captain ay pasilip-silip, pero `di kami pinapansin. Hindi pa kami nagtagal ay hinarap kami ni Martinez habang nasa likuran niya ang pinsang si Federico de Leon na aming nirereklamo,” ani Duma.

“Habang labas-masok ang toothpick sa bibig ni Martinez, ay dinuro-

duro kaming mag-asawa. Nagkasagutan kami habang ang acting barangay

at mga tanod ay pasilip-silip lang,” salaysay pa ni Duma.

Dahil uano sa takot sa kanilang kaligtasan ay hindi na nila hinintay pa na magsimula ang hearing at umalis na lamang sa opisina ng barangay.

“Nagbalik sa aming alaala ang ginawa ni Martinez noon 2018 matapos

nitong ipagtanggol sa hearing ang kanyang kakampi na nanuntok na

buntis naming pamangkin,” ayon kay Duma.

Sabi ni Duma, kahit suspendido na si Martinez ay makikita pa rin ito na siyang nagpapatakbo sa kanilang barangay.

“Nababahala po kami, sampu ng mas nakakaraming residente ng Sumalo,

sa ginagawa ni Martinez na pag-uudyok sa mga kakampi niya na “hantingin” ang mga residente na bumabatikos sa kanya,” pahayag ni Duma.

Naghain na umano sila ng reklamo sa DILG dahil sa tingin nila ay hindi magkakaroon ng pantay na pagtrato mula sa tanggapan ng kanilang barangay.

Nabatid kay Duma na una na silang naghain ng reklamo laban sa umano’y death threat ng isang alyado ni Martinez sa himpilan ng pulisya subalit pinayuhan sila na i-report ang harassment case sa barangay.

“Kahit alam namin na kakampi si De Leon ni Martinez sinunod naming ang payo ng pulis, pero mas nakakatakot kasi kahit nasa loob ng barangay hall at suspendido siya, nandyan pa rin siya sa loob ng opisina ng kapitan,” ani Duma.

Sinikap naman ng Abante Tonite na makuha ang panig ni Martinez subalit hanggang sa sinusulat ang ulat na ito ay hindi pa siya makontak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.