Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suspension sa 5 chairman, inutos ni isko

0 116

Ipinatupad ni Manila Mayor Francisco `Isko Moreno’ Domagoso ang suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa limang barangay chairman sa Maynila.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang limang barangay officials ay pinatawan ng preventive suspension sa loob ng 6-buwan nang walang sweldo ni Ombudsman Samuel Martires dahil sa iba’t-ibang pagkakasala tulad ng grave misconduct, serious dishonesty, abuse of authority at iba pa.

Kabilang sa mga sinuspinde ay sina Barangay 123 chairman Mario Banal; Barangay 11 chairman Leonard Recto; Barangay 449 chairman Romeo Garcia; Barangay 418 chairman Jonas Bartolome at Barangay 283 chairman Niño Anthony Magno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.