Abante Tonite Interactive

Suspensiyon ni Abueva malapit nang matapos

411

MALAPIT na nga bang maalis ang indefinite suspension ni Phoenix forward Calvin Abueva?

May pahaging si PBA Commissioner Willie Marcial.

“May pinapagawa lang tayo. Ongoing na. hindi ko lang masabi kasi confidential,” sabi ni Kume sa report na lumabas sa Spin.ph.

“Pag naayos na yung pinagagawa natin, tsaka natin siya i-evaluate.”

Aminado si Marcial na malaki na ang improvement sa pag-uugali ng manlalaro.

“Si Calvin nakita kong namimigay sa mga drivers,” sabi pa ni Marcial. “Nakita ninyo naman malaki ang pinagbago ni Calvin.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad