Abante Tonite Interactive

Suspensyon sa mga opisyal ng DPWH hinirit

183

Nanawagan kay Public Works Secretary Mark Villar ang isang abogado para ipatupad ang preventive suspension laban sa isang regional director at 4 iba pa na iniutos ng Ombudsman.

Ayon kay Atty. Mikhail Lenin Bueno, muli siyang umapela kay Villar na ipatupad na nito ang preventive suspension kina DPWH officer-in-charge region 5 director Virgilio Eduarte, Atty. IV Eulogio Laboga, quality assurance and hydrology chief; Brenilda Mendoza, equipment management division chief; Romy Gumban at Serafin Lago na hepe ng Road Heightening and Tide Embankment.

Iginiit ni Atty. Bueno na mahirap paniwalaan ang katwiran ng mga opisyal na wala silang natanggap na kopya ng kautusan noong Pebrero 1, 2019 dahil umapela pa silang i-lift ito.

Nag-ugat ang reklamo ni Edgar Tiu, may-ari ng B. M. Marketing construction company ng i-disqualify sa public bidding ng kanyang inireklamo noong nagsisilbi pang assistant regional director sa DPWH region 8 si Eduarte at 4 pang opisyal.

Katwiran ni Eduarte ay hindi nakapasa sa technical requirement ang kompanya ni Tiu.

Aprubado ni Ombudsman Samuel Martires ang 6-month suspension na walang suweldo laban kay Eduarte at iba pang opisyal noon pang Pebrero 1, 2019 subalit hindi ipinatupad ng DPWH.