Abante Tonite Interactive

Sustansya sa asim ng kalamansi

3,989

Alam niyo bang sa asim ng bunga ng kalamansi ay may katumbas itong sustansya na lubos na kaila­ngan sa katawan ng isang tao.

Ang calamansi ay mayaman sa vitamin C. Mainam itong ihalo sa maligamgam na tubig na may kasamang honey upang malabanan ang ubo at sipon.

Ang pectin content ng balat ng calamansi ay mainam gamitin upang mapababa ang blood cholesterol sa katawan.

Ang vitamin C content naman ay nakaka­tulong na palakasin ang ating resistensya laban sa mga sakit.

Nakakatulong din ito na mapa­galing ang ating mga sugat at maiwasan ang pagkasira ng ating mata.

Ang vitamin C din mula sa kalamansi ay nakaka­tulong na palakasin ang ating mga ngipin at buto.

Nakakatulong ang kalamansi na maiwasan ang pagkasira at pagkabulok ng mga ngipin, pagsakit at pagdudugo ng gilagid.

Ang oil mula sa pinigang kalamansi ay nakakatulong na mapabuti ang digestion. Ginagamit ito bilang gamot sa iba’t ibang digestive disorders tulad ng constipation.

Nakakatulong din ang ca­lamansi upang magamot ang infection sa urinary bladder. Nakakatulong itong alisin ang sakit na nararamdaman kapag umiihi.

Mainam ding inumin ang calamansi upang bu­maba ang timbang. Ang fresh juice ng kalamansi ay nakakatulong maiwasan ang obesity.

Uminom lang ng calamansi juice na inihalo sa tubig na may honey mainam ito dahil mayroon itong phytochemical na nagtatanggal ng mga toxins sa ating katawan at may antibacterial property.