Susundan si Gabby kesa kay Sharon KC Concepcion lilipat sa kapuso

990

Malakas ang bulung-bulungan na magbabalik-showbiz na si KC Concepcion. Hindi sa Kapamilya, kundi sa Kapuso network. Susundan niya ang kanyang ama na si Gabby na nasa GMA kesa sa kanyang ina (Sharon Cuneta) na nasa Kapamilya network.

Mula sa mapagkakatiwalaang source, mas gusto ni KC na mag-concentrate muna sa pagho-host. Open pa rin naman siya sa paggawa ng teleserye pero hindi niya muna ito prayoridad.

Sa ngayon, abala ang aktres sa pag-aasikaso sa kanyang mga negosyo at adbokasiya sa United Nations. Mayroon pa siyang malaking proyekto na susuportahan ng pamahalaan pero hindi pa ito puwedeng idetalye.

Tungkol naman sa kanyang love life, patuloy pa rin ang relasyon niya sa kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart. Hindi totoo ang mga napabalitang hiwalay na sila.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...