Abante Tonite Interactive

Susunod na NFA chief kapalit ni Col. Jason Aquino, isang general

By
0 396

May Napupusuan Na Si Pangulong Rodrigo Duterte Na ipalit kay Col. Jason Aquino na ‘Tired’ nang pamunuan ang National Food Authority na inuulan ng upak sa kakapusan ng murang bigas sa pamilihan.

Sabi ni Pres’l. spokesperson Sec. Harry Roque, paretiro na ang heneral pero ayaw niyang sabihin kung ito ay taga-Camp Crame o Camp Aguinaldo. Ayon naman kay special Asst. to the Pres. Sec. Bong Go, limang letra ang pangalan ng paretirong hene­ral pero hindi siya si AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez. Sabi pa ni Sec. Go matagal pa magreretiro si Galvez habang asap na ang problema sa bigas.

Pero sabi ng aking bubwit, ang gustong ipalit ni Duterte kay Aquino na ‘tired’ na sa NFA ay isa nang retired police gene­ral, nagretiro sa PNP noong Agosto 31, 2018.

Si heneral na mi­yembro ng PMA class 1985 ay naging hepe ng pulisya sa Davao City. Atenista rin siya na may Masters in Business Admi­nistration sa Ateneo de Manila-Graduate School of Business sa Rockwell, Makati.

Kasama ng Presidente si general sa pagdalaw sa Israel at Jordan.

Maiintindihan naman kung nagmamadali na si Presidente na maglagay ng bagong pinuno sa NFA matapos magsabi si Aquino na gusto na niyang umalis sa ahensya. Limitado na lang ang mabibiling NFA rice sa pamilihan, 5 kilo sa iba at 2 kilo na lang sa iba, at limitado na rin kung magbukas ang mga bigasang bayan kaya kapag bukas ito at nagtitinda ay ang haba ng pila.

Ang retiradong opisyal ng PNP na gustong gawin ng Pangulo na bagong pinuno ng NFA ay si General ‘Apol’.