Abante Tonite Interactive

Susunod sa Los Angeles? Paul ayaw na sa Houston

502

Kapana-panabik ang mga mangyayari sa susunod na 74th o 2019-20 season ng National Basketball Association, ilang mga superstar ang gumagaya kina Paul George, Kawhi Leonard at Anthony Davis na nanghihinging malipat ng koponan.

Posibleng sunod sa pattern si Chris Paul.

Ayon kay ESPN insider Stephen A. Smith, ‘di na umano masaya si Paul sa Houston, kahit pa malaki ang tsansa na makalapit sa NBA Finals dahil sa pagkawala nina Kevin Durant at Klay Thompson sa lineup ng Golden State Warriors sa susunod na season.

“In the end, it’s this: With Kevin Durant out, with Klay Thompson out for most of the season, one could argue the Houston Rockets now have a window to get to the NBA Finals,” pakli ni Smith.

“But you’re also hearing­ Chris Paul wants out, Chris Paul wouldn’t mind going somewhere else, preferrably LA, maybe, we don’t know, with LeBron. We don’t know. But you’re hearing­ he wants out.”

Ang problema, tatlong taon pa nakatali si Paul sa Houston, sa 2019-20 ay kukuha ng $38.5M, nasa $41M naman sa 2020-21 at abot $44M sa 2021-22.

Ang Lakers ay mayroon lang $27 hanggang $32M sa kanilang cap space, kailangang magpakawala ng bigating manlalaro para makuha si Paul.

“I would never say that CP3’s untradeable,” ayon kay ESPN analyst Brian Windhorst. “He’s tradeable, for sure. But he’s not tradeable in a way that makes their team better.” (RP)