Abante Tonite Interactive

Sutil na male personality pinaglaruan ang promdi aktor

393

PINAGLARUAN sa isang party ng kanyang mga kasamahang artista ang isang bagitong male personality na kaluluwas lang sa lunsod mula sa malayo nilang probinsiya.

Ewan naman kung ano ang nakain ng isang sutil na male personality at sinabihan nito ang kanyang mga kaibigan na pagpistahan nila ang guwapong baguhan.

“Di ba, kapag formal dining, e, maraming kubyertos sa mesa? Hindi alam nu’ng bagitong male personality kung alin ang una niyang gagamiting kubyertos dahil ang dami-dami nga! Wala naman daw kasing ganu’n sa kanilang baryo!

“Si sutil na male personality ang nagpasimuno, inilagay niya ang table cloth sa balikat niya, parang isinampay niya lang. Siya ang ginagaya ng bagito, kaya isinampay niya rin sa balikat niya ang table cloth.

“Inilagay ‘yun ng sutil na male personality sa kanyang lap, ginaya siya uli ng bagito, talagang siya ang ginagaya ng probinsiyanong baguhan!

“Soup muna dapat, di ba? Nag-main course agad ang mokong na male personality, ganu’n ang ginawa ng baguhan, kumuha siya agad ng food na pagkarami-rami at inilagay sa plate niya!

“Palihim namang nagtatawanan ang mga ka-table nila, nilalaro nga kasi ng male personality ang baguhang artista na kalalabas sa malaking bahay!”
unang kuwento ng aming source.

Paglipas nang ilang taon ay naging maganda ang kapalaran ng baguhang aktor, sumikat siya, ang sutil namang aktor ay biglang nawala sa eksena. La Ocean Deep na.

Kuwento uli ng aming impormante, “May nagkuwento sa sikat nang male personality kung paano siya pinaglaruan nu’n ng lalaking personalidad na inalat na ang career.

“Hindi siya nagalit, napaiyak na lang siya, naramdaman daw niya ‘yun pero hindi na lang siya kumibo dahil baka mali ang sasabihin niya.

“Wala nga kasi siyang alam sa paggamit ng mga kubyertos, bagong salta lang siya sa Maynila, nakakamay raw kasi silang kumain sa probinsiya.

“Nakakaawa naman siya, mabuti na lang at gumanda ang kapalaran niya, mayaman na siya ngayon, nakapagpatayo na siya ng bahay sa probinsiya nila.

Maayos na ang buhay ng pamilya nila.

“At marunong na siyang gumamit ng mga kubyertos, alam na niya na mula sa malayo palapit sa plate ang gamit ng mga ‘yun, puwede na siyang isalang sa mga sosyalan.

“At nasaan na ang sutil na male personality na nanglaro sa kanya? Waley na! Hindi na siya uso, wala na siyang mga proyekto!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Iwa napahamak sa pagsaklolo kay Claudine

NAGHANAP ng sakit ng katawan si Iwa Moto. Sumaklolo siya kay Claudine Barretto pero sa halip na maging salbabida siya ng aktres ay siya ngayon ang nilulunod ng mga netizens dahil sa pakikisawsaw niya sa isyu.

At mukhang hindi alam ni Iwa ang pinasok niyang giyera. Hindi si Marjorie Barretto ang nagdamay sa mga taong may mental illness, si Claudine ang nagbigay ng ganu’ng ideya, hindi si Marjorie.

Naghanap lang ng damay si Claudine, dahil napakasimple lang naman ng komento ng kanyang ate, inumin nito nang maayos ang kanyang mga gamot.

Lantad naman sa publiko ang kundisyon ni Claudine, may mga interbyu ito tungkol sa kanyang pinagdadaanan, kaya ang payo ni Marjorie ay ang ayusin nito ang pag-inom ng mga gamot at baka napapasobra na.

Biglang umentra si Iwa Moto bitbit ang kanyang saloobin bilang isang babaeng dumanas din daw ng mental illness. Kumawala ang kanyang dila at hinusgahan agad si Marjorie.

Ang tahimik na buhay niya kapiling si Pampi Lacson ang binulatlat ng mga bashers. Pati ang pang-aagaw raw niya kay Pampi kay Jodi Sta. Maria na ama ng kanyang mga anak ay nadamay na!

Mahirap pumagitna ngayon sa social media. May punto ka mang ipinaglalaban ay siguradong may mga susulpot pa ring nagkokontrabida.

Tahimik ang buhay nina Pampi at Iwa Moto, walang alingasngas, pero dahil sa pakikilahok niya sa isyu ng mga Barretto ay biglang nawindang ang mundo niya.

Impernes, mabait si Iwa Moto, maganda ang kanyang puso. Pero napupuruhan siya ngayon dahil lang sa pagkokomento na puwede naman sana niyang naiwasan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad