Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SUV, patrol car nagbanggaan sa Quiapo; pulis nadale

0 151

SUGATAN ang isang pulis at delivery rider sa banggan ng SUV at police mobile Biyernes ng gabi sa bahagi ng Quiapo sa Maynila.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumagilid pa ang police mobile na nakaparada sa ilalim ng Quezon Boulevard underpass.

Maghahatinggabi na nang mangyari ang insidente kung saan reresponde sana ang police mobile.

Nawasak ang hood ng SUV na nakabangga sa mobile.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad na dinala sa ospital ang sugatang pulis maging ang delivery rider na nadamay lang sa aksidente.

Hindi naman malinaw sa report kung nasugatan din ang nagmamaneho ng SUV o kung may kasama ang pulis na nasugatan sa loob ng police mobile.

Lumalabas na nasagi ang delivery rider sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.