Abante Tonite Interactive

Suwapang sa daan

196

Nagkalat pa rin sa daan ang mga suwapang sa espasyong daraanan ng sasakyan.

Sabi ng iba, kadalasan sa mga ito ay mga babaeng driver kung makaasta umano ang mga ito ay ganu’n lang.

Isip nila gaya sa tunay na buhay, pagbibigyan sila parati.

Ito ay kahit na ­maging sanhi pa ito ng super ­la­king road accident.

Maaaring tama ito at katunayan marami na rin akong na-encounter nang ganito sa daan.

Ngunit bago pa tayo ma-outside d kulambo ni misis, marami ring katunayan ang mga suwapang na kelot sa daan.

Susme, kahapon lamang kamuntik nang sumalpok sa kaliwang pisngi ng sasakyan ang isang kotse na sana ay nag-slowdown na’t paalpasin kaming patawid na kapwa sasakyan sa Maharlika Highway!

Pinilit pa niya talagang unahan kaming magko-cross gayung ang mga sasakyan sa outer lane ay huminto na.

Tsk… tsk… sobrang kasuwapangan. Manong magpreno na muna, paalpasin ang patawid na sasakyan gaya ng ginawa ng mga sasakyang nasa outer lane.

Buti kagat agad ang preno, pagtingin ko ulit sa kaliwa kung tumigil at nagbigay ang gago.

Hayun… sumibat. Pero ang nasa likuran niyang trike ay hindi sumunod. Tumigil na itong kusa dahil ‘yon ang nararapat.

Kung oorasan, hindi aabot ng isang minutong pagkabalam ng mga sasakyang nagbigay at ­huminto.

Para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat, matuto tayong magbigay ng daan sa iba.

Hindi sana puro yabang sa daan.

Ang sobrang pagmamadali baka mauwi pa sa perwisyo.

Ang semento o aspalto ay hindi mababaklas. Huwag makipag-unahan sa iba sa daan.

‘Ika nga, lahat tayo ay makakarating din sa paroroonan.

Hinahon at magtiwala lang tayo lagi sa Kanya.

To God be the Glory.