Abante Tonite Interactive

Suweldo ng mga guro kulelat sa ASEAN — Win

182

Isa sa pinakamababa ang suweldo ng mga guro sa Pilipinas kum­para sa karatig bansa sa South East Asia.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, $18,160 lamang ang average na taunang suweldo ng mga titser sa bansa hamak na mas malayo sa Association of Southeast Asia Nation (ASEAN) average na $27,742.

Pinakamalaki sa ASEAN ang suweldo ng mga guro sa Brunei Darrusalam na may taunang teacher salary na $55,263 habang pinakamababa naman ang Vietnam na $3,877.

Dahil dito, naghain si Gatchalian ng panukala na naglalayong itaas ang suweldo ng mga public school teache­r sa elementary at se­condary schools na may ranggong Teacher I, Teacher II at Teacher III.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 178, nais g senador na itaas sa Salary Grade (SG) 13 ang suweldo ng mga Teacher mula sa kasalukuyang SG11 habang SG 14 naman sa Teacher mula sa dating SG 12. Ang Teacher III naman ay magiging SG 15 mula sa dating SG 13.

“If our bill becomes law, it would increase the average annual teachers’ salary in the Philippines to $21,547, closer to the ASEAN 7 average,” sabi ni Gatcha­lian.

Pangatlo umano ang Pilipinas sa pinakamababa sa ASEAN, angat lang ng konti sa Malaysia at Vietnam. Bukod sa Brunei, mas mataas din ang suweldo ng mga guro sa Singapore, Thailand at Indonesia kumpara sa mga guro sa Pilipinas. (Dindo Matining)

Attachments area