Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suweldo ni Simmons iniipit ng Philadelphia

0 95

NAGKASA na ng opensiba ang Philadelphia 76ers laban kay Ben Simmons.

Binulong ng ieague sources sa Bleacher Report na hindi raw ibibigay ng Sixers ang paycheck ni Simmons ngayong buwan.

October 1 sana ang pangalawang 25 percent ($8.25 million) installment ng suweldo na ibibigay kay Simmons para sa 2021-22 season.

Pero nagpasabi ang three-time All-Star guard na hindi siya maglalaro at hindi rin mag-re-report sa training camp kung hindi ite-trade.

Related Posts

Nakuha na raw ni Simmons ang 25 percent ng suweldo niya ngayong season – pangalawa sa five-year contract na nagkakahalaga ng $177 million na pinirmahan noong 2019.

Katwiran ng 76ers, hindi tinutupad ni Simmons ang nakapaloob sa kontrata dahil sa pagliban sa training camp.

Para mapaikutan ang team at hindi mameligrong liparin ng hangin ang milyones na suweldo, posible raw mag-report sa training camp si Simmons pero magdadahilan na injured kaya hindi makakasama sa drills at preseason games. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.