Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suwitik online seller nabitag ng NBI

0 243

Ni Nancy Carvajal

Isang 23-anyos na babaeng tumiba ng milyones sa iligal nitong pagbebenta ng mga alahas sa abroad gamit ang online ang nadakip ng National Bureau of Investigation kahapon sa Pasay City.

Nabatid kay Atty. Jerome Bomediano, deputy head ng NBI Special Action Unit na ang suspek ay natunton base na rin sa huli nitong iligal na transakyon. Siya ay nahaharap ngayon sa kasong estafa at paglabag sa cybercrime law.

Itinanggi ng suspek na nagpakilalang si Hannah Cruz at gumagamit ng iba’t ibang alyas ang alegasyon ngunit kalaunan ay umamin din at sinabing `it was easy and everyone is doing it.’’

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Lahat kasi nag scam, so madali lang gawin pero nagsisisi na ako hindi na ako magnanakaw,” sambit pa nito.

Ayon sa suspek, gawain nitong `i-copy at i-saved’ ang mga posts ng mga seller sa iba’t iba niyang social media accounts at aabangan ang mga buyer na i-like at i-inquire ang mga produkto.

Sinabi ni Mark Santiago, na siyang may hawak ng kaso, na modus operandi nito na biktimahin hindi lamang ang mga buyer kundi maging ang mga seller.

“The suspect received payments using a G cash account, which she would discard or retire temporarily Sa report, lumitaw base na rin sa pahayag ng ilang complainants na umabot na sa higit P2 milyon ang na-suwitik nito sa kanyang mga nabiktima.

Sa masusing pag-iimbestiga ng NBI at sa tulong ng mga naloko nito’y nabuking ang iregularidad na transaksyon at nadakma ang suspek nang makorner ito sa huli niyang order gamit ang ibang pangalan at dati nitong cell number.

Leave A Reply

Your email address will not be published.