Abante Tonite Interactive

Suzara: eSports sa SEAG tagilid

0 154

Posibleng ‘di matuloy ang unang pagdaraos ng popular electronic sports o eSports dahil sa kawalan ng kinikilalang mamamahalang asosasyon para magpatupad sa paglalabanang mga laro sa iho-host ng Pilipinas na 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nob. 30-Dis. 11.

Inihayag ng isang mataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee, na humihingi ng pahintulot at pagkilala mula sa pribadong ahensiya ang Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (PHISGOC) upang kila­lanin ang organisasyon ang isang ad-hoc committee na magpapatakbo ng torneo.

Sa sulat na may petsang Marso 12, 2019 kina POC president Victorico ‘Ricky’ Vargas at Secretary General John Patrick Gregorio, hinayag na kailangang may isang legal na nakarehistrong national sports association sa POC para magpatakbo SEA Games eSports.

“Dear Pres. Vargas and Sec. Gen Gregorio. In completion of requirements for facilitating e­Sports in our SEA Games by the Asian eSports Federation (AESF), we are required to apply as a development member – as a legally registered NSA entity.

“Since we are an AD HOC committee with no legal entity, we have arranged our acceptance as long as the entity is recognized by the NOC and PHISGOC. For this purpose, we would like to request that our re­cognized and registered AD HOC Committee name be: The Philippine SEAG eSports Union (PSEU). (Lito Oredo)