Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suzara may mga ibubunyag

0 40

Volleyball ang paksa sa lingguhang Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong Martes.

Magsisiwalat si Philippine National Volleyball Federation president Ramon Suzara sa programa sa men’s at women’s national squads.

Sasamahan siya nina national men’s coach Dante Alinsunurin at women’s counterpart Arthur Mamon sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Gayundin si women’s coaching consultant Jorge Edson Souza de Brito ng Brazil sa balitaktakang mag-uumpisa sa alas-10:30 nang umaga.

Pinalakas ng Smart at official webcast partner Upstream Media, naka-livestream ang Forum sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.