Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suzara may pasabog sa volleyball

0 175

Usapang volleyball ang edisyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum ngayong Martes.

Bisita sa session sina star players Alyssa Valdez, Aby Marano at Jaja Santiago.

Sasamahan sila nina Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) president Tats Suzara, vice president Arnel Halan at Board member Charo Soriano.

Ibabalita ng grupo ang mga susunod na hakbang sa volleyball ngayong kinilala na ng International Volleyball Federation (FIVB) ang Pilipinas sa pamamagitan ng PNFVI.

Related Posts

Alas-10:00 nang umaga ang umpisa ng webcast na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Powered by Smart at Upstream Media bilang official webcast partner, naka-livestream ang session sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.