Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suzara waging volley prexy

0 83

Hinalal na walang kalaban bilang pangulo ng bagong buong Philippine National Volleyball Federation Inc. si Ramon ‘Tats’ Suzara sa 31 votes sa East Ocean Restaurant sa Parañaque nitong Lunes.

Nagwaging chairman si Ariel Paredes, vice president si Arnel Hajan, secretary general si Donald Caringal, treasurer si Rodrigo Roque, at auditor si Yul Benoso.

Mga nanalong board member sina Richard Palou, Tony Boy Liao, Carmela Gamboa, Karl Chan, Charo Soriano, Fr. Vic Calvo, at Wharton Chan, kinatawan din ng POC sa event.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.