Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suzie Cat humarurot

0 244

Ipinakita ni Suzie Cat ang tikas nito sa rematehan matapos manalo sa Condition Race (24) kahapon sa Metro Turf sa Malvar – Tanauan City, Batangas.

Nasa pangwalong puwesto si Suzie Cat sa largahan sakay si apprentice rider GV Mora, pinanood nila ang bumanderang si Taranasakalyos.

Papasok ng far turn ay umuusad na papalapit sa unahan si fifth choice Suzie Cat, sa bandang labas dumaan ang winning horse.

SM food to go Banner Ad

Pagdating ng huling kurba ay nararamdaman na ng mga karerista ang panalo ni Suzie Cat.

“Papasok ng homestretch kita mo nang mananalo si Suzie Cat, ang lakas ng dating kahit sa bandang labas ito dumaan,” masayang sabi ni Benjamin Castillo, karerista na taga-Makati.

Umoras si Suzie Cat ng 1:29 minuto sa 1,400 meter race, sumegundo si Sorsogon Bay. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.