Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swab test bago praktis – Marcial

0 259

Bago bumalik ng practice facilities para umpisahan ang workout, sasailalim muna sa coronavirus testing ang players ng 12 teams ng PBA.

Hinihintay na lang ng tanggapan ni commissioner Willie Marcial ang joint administrative order mula sa IATF, DOH, PSC at GAB para maumpisahan na ang workout.

Bukod sa non-contact, by batch ng apat na players at isang trainer, isu-supervise ng health officer ang workout.

“P’wede na kaming mag-start ng swab testing,” ani Marcial kahapon.

Sa Makati Medical Center na gagawin ang testing sa halip na sa San Miguel Corp. facilities.

“P’wede ‘yung sa kanila (SMC), p’wedeng 200 o kung ilan. Pero problema lang ‘yung resulta. Matagal pa ‘yun,” paliwanag ng PBA chief. “Kasi dinadala pa sa DOH, eh. By batches, bente-bente lang, trenta-trenta. Matatagalan tayo.”

Mas mabilis aniya ang labas ng resulta sa Makati Med, bukod sa si Manny V. Pangilinan din ang may-ari.

Nasa ilalim ng MVP group ang TNT, NLEX at Meralco.

“Ngayon nagpi-fill up na ng (test) forms mga player, tapos i-e-encode na ng Makati Medical. Tapos within two days testing na kami,” balita pa ng commissioner. “Pagkatapos ng resulta, siguro within six to eight days starting Monday, p’wede na tayong magsimula. Ibig sabihin, by the weekend start na tayo.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.