Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swab Test Clinic sinalakay, 2 tiklo

0 288

Ni Nancy Carvajal

Nabuking ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang umano’y pekeng COVID-19 swab test clinic na nag-aalok ng home service collection ng specimen, na ikinaaresto rin ng dalawang indibidwal kabilang ang nagpapanggap na lisensyadong magsagawa ng swab test, sa isinagawang raid sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Nadakip nina Lawyer Jerome Bomediano, NBI-Special Action Unit deputy chief at ng kanyang team ang suspek na sina Bernadette Lagat at Paulo Onate na siyang nag-aalok ng pekeng serbisyo na “SWAB TEST PILIPINAS’’ sa Facebook matapos tanggapin ang P9,000 marked money bilang bayad sa swab test na isinagawa ng undercover NBI operatives.

Sinabi ni Bomediano na ginagamit ng dalawa ang social media platform at nagpapakilalang awtorisado at kinilala ng DOH na magsagawa ng COVID-19 swab test, na naka-affiliate sa DOH accredited testing centers.

Ngunit sa pagsisiyasat ng NBI, nabistong ang Swab test Pilipinas ay hindi isang accredited at si Lagat na nagpakilalang bihasang dietician ay walang kakayahang magsagawa ng swab test, ayon kay Bomediano.

“She never had the training, the competence to perform COVID-19 tests, and most of all not licensed ’’ sambit ng NBI agent.

Bukod sa pagsasagawa ng pekeng swab test, ayon pa kay Bomediano ay gumagamit din si Lagat ng mga fake certificates gamit ang logo ng lehitimong swab testing clinic sa kanyang mga biktima na Hero Laboratories sa QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tatlo sa kanyang mga biktima ang nagsampa ng reklamo sa NBI na ikinaaresto nito. Bukod sa lumutang na biktima ay nadiskubreng marami nang sumailalim sa kanyang kunong pagsusuri.

Sa pag-verify naman sa Hero Laboratories ay tinanggi ng mga itong konektado sa kanila si Lagat at

wala silang record ng tatlong mga biktima.

“One of the family members was exposed to a COVID positive at work, so we decided to be tested at home. However, when we validated the test result at Hero, they said they do not have any record of us, thus we decided to file a complaint before the NBI, ‘’ ayon sa biktima.

Nasamsam kay Lagat ang plastic container at mga used cotton sticks at transport box kabilang ang ID ng Swab Test Filipinas at mga kopya ng `license to operate’ sa nasabing diagnostic clinic sa Ermita, Manila.

Ang dalawa ay nahaharap sa four counts of estafa at two counts of falsification sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

Leave A Reply

Your email address will not be published.