Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swab test sa papasok ng NCR hinirit

0 100

Iminungkahi ng Metro Manila Council (MMC) na obligahin ang mga magmumula sa mga lugar na may kumpirmadong Delta variant case na sumailalim sa swab test bago makapasok sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ito kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos kumpirmahin ng Department of Health ang local transmission ng Delta variant sa bansa.

“May proposal ang NCR mayors na baka maaaring ang mga manggagaling sa mga medyo matataas ang cases ng Delta variant, baka puwedeng bago pumasok sa NCR, sila naman ang may RT-PCR test,” aniya sa panayam sa TeleRadyo.

“Katulad nu’ng epicenter ang Metro Manila tayo naman ang kinakailangan mag-present (ng negative test result) kung pumunta tayo sa iba pang lalawigan, baka ganun din ang gagawin o pino-propose ng NCR through the MMC,” dagdag niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.