Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swab test scam buking ng NBI

0 420

Ni Nancy Carvajal

Pinalalim pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ginagawa nitong pagkalkal hinggil sa mga pekeng swab test certificate na ibinibigay umano ng ilang recruitment agency para makabiyahe palabas ng bansa ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Obligado ang mga pasahero ng eroplano na magsumite ng negative COVID-19 swab certificate dahil bahagi ito ng protocol para iwas hawa sa ibang pasahero at mapigilan ang paglaganap pa ng virus.

Gayonman, sinabi ng NBI na mayroon silang mga natatanggap na ulat hinggil sa mga pekeng swab test certificate na kumakalat sa ilang paliparan sa bansa, lalo na sa mga OFW.

“We have a witness who admitted that she was given a swab test result by her agency, even without going through an examination,” pagbubunyag ng isang NBI agent sa online news site Politiko.

Ipinadala umano sa kanilang testigo ang swab test result sa pamamagitan ng messenger nito para makasunod sa airline requirement na kailangang may katibayan na negatibo sa COVID-19 test.

“This is alarming, because the witness could be a carrier and she could infect the whole plane,” ayon sa source.

Sinabi pa ng source na kabilang sa kanilang iniimbestigahan ang mga recruitment agency at ang facility na nag-isyu ng certificate.

Dahil aniya sa mga pakeng COVID-19 negative test certificate ay naaapektuhan ang pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng virus.

“We hope for more stringent measures and inspection in our airports and competent front liners who can determine a spurious swab test result,’’ aniya pa.

Dagdag pa nito na kailangan maberipika ang mga negative swab test result.

“There’s should be a way to quickly verify the authenticity of the document,” sabi ng source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.