Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swab test sinagot ng mga OFW

0 187

Nagbabayad na lamang para sa kanilang swab test ang ibang overseas Filipino worker (OFW) na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapadali ang kanilang pagtigil sa quarantine facility.

Ito ang ginagawa ng mga dumarating na OFW na binabayaran na lang ang kanilang swab test para maiwasan na ma-stranded sa quarantine facility.

SM food to go Banner Ad

Nagkakahalaga ng P3,000 ang swab test ng Philippine Red Cross (PRC) kung saan malalaman ang resulta sa loob ng 24 oras. Subalit natigil ito dahil sa mahigit P900 milyong pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa PRC.

Ayon sa ilang recruitment agency, aabot sa 6,000 OFW ang stranded sa mga quarantine facility habang naghihintay ng kanilang swab test result na isinasagawa ng Philippine Coat Guard sa NAIA simula pa noong Oktubre 16.(Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.