Abante Tonite Interactive

Swabeng pabaon ni Clarkson; ‘Pinas ginulpi ang Syria, 109-55

By
838

Emosyonal na nagpasalamat at nagpaalam ang Cleveland Cavaliers at Gilas Pilipinas point guard na si Jordan Clarkson matapos itulak sa panalo ang huling laro ng pambansang kopona kontra Syria, 109-55, tungo sa ikalimang puwesto sa 18th Asian Games basketball competition sa Gelora Bung Karno Istora kagabi.

Ibinuhos ng Gilas ang kabuuang 36-16 bomba sa unang yugto at 22-18 sa ikalawa upang agad na kontrolin ang laro sa pagposte ng 60-34 abante sa pagtatapos ng unang hati.

Itinala pa nito ang 31-10 atake sa ikatlong yugto at 18-11 sa ikaapat na yugto upang itala ang pinakamataas nitong nakamit na ikalimang puwesto.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman naiwasan ng Fil-American na si Clarkson na magpasalamat sa lahat ng mga kasamahan pati na rin sa mga opisyal ng Team Pilipinas gayundin sa nag-oorganisa ng kada apat na taong torneo para payagan siyang makapaglaro sa Pilipinas.

“I just want to thank all of you for letting me play here and it is such a wonderful experience,” sabi ni Clarkson, na nagtala ng 29 puntos, apat na rebounds at 6 na assists sa pangu­nguna sa Pilipinas.