Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swak sa West Finals: Thompson, Curry nagliyab sa tres

0 52

NAGLIYAB sa 3-point range ang Splash Brothers ng Golden State, at sinipa ng Warriors ang Memphis 110-96 Biyernes ng gabi para bumalik sa West finals.

Sa harap ng kanilang home fans sa Chase Center, tinapos ng Warriors ang semis sa anim na laro.

Walong 3s ang ibinaon ni Klay Thompson tungo sa 30 points, sinegundahan ng anim ni Stephen Curry na naka-29 markers.

Hihintayin ng Golden State sa conference finals ang mananalo sa Suns-Mavericks.

Nag-ambag si Draymond Green ng 14 points, 15 rebounds at 8 assists.

Humablot ng 22 boards si Kevon Looney at nilista ni Andrew Wiggins sa fourth quarter ang 10 sa kanyang 18 points.

Nagsalpak din ng career-best seven 3s si Dillon Brooks, may 25 si Desmond Bane sa Grizzlies. May knee injury si Memphis star Ja Morant, mula Game 3 ay hindi na naglaro.

Dinomina ng Warriors ang boards 70-44, unang team na kumalawit ng 70 rebounds sa playoffs matapos magbaba ng 75 ang San Antonio kontra Denver noong May 4, 1983. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.