Abante Tonite Interactive

Sweet ulit: Ruru-Bianca gumimik sa premiere night

0 203

Tila back in each other’s arms sina Bianca Umali at Ruru Madrid, na parang walang nangyaring insidente sa dalawa.

Swit-switan na ulit sina Bianca at Ruru, na masayang pumarty together sa Havana Nights thanksgiving party ng GMA.

Kuwento ng source namin na nasa Kapuso party nu’ng Thursday night sa Manila Polo Club, maagang dumating si Ruru at medyo late si Bianca. After a while ay magkasama na raw ang dalawa at masayang nag-i-enjoy sa party.

Medyo nalukring nang slight ang source namin dahil two nights before ay nabalitang muntik nang masagasaan ni Bianca si Ruru sa parking lot ng Megamall dahil umano sa selos.

Tapos nu’ng gabing ‘yon sa GMA party ay cozy-cozy na ulit ang RuCa at parang walang nangyari na kahit ano. Napatanong tuloy ang source namin ng, “Ano ‘yon? Gimik lang ba ‘yon para mapag-usapan ang premiere night?!”

Kalerks!

Ang tsika naman ng isa pa naming source ay pinatawad daw ni Ruru si Bianca sa ginawa nito, kaya okey na ulit sila.

Hindi pabor ang source namin na ‘yon sa ginawa ni Ruru at galit pa rin ito kay Bianca.

Oh well, kung si Ruru nga mismo ay okey na, ano pa bang kebs natin, ‘di ba? Eh ‘di bahala sila sa trip nila.

Baka naman aamin na in public ang dalawa para hindi na ‘Syota si Dilim’ ang peg ni Bianca.

At baka rin gagawin nang official love team ang RuCa kapalit ng BiGuel bilang alam na ng lahat na sina Bianca-Ruru naman talaga ang magsyota at kaibigan lang ni Bianca si Miguel Tanfelix.

Whatever! I think Bianca and Ruru really deserve each other! PAK!!

Anyways, bukod sa nakakalokang RuCa tandem, sweet couples din sa Havana Nights ng GMA ang DongYan, JanVer, JakBie, AndRek, MegMik at JuanChoyce.

Ang cute ng preggers na si Solenn Heussaff na pumarty pa rin kahit malaki ang tiyan. Seksi-seksihan si Sanya Lopez sa kanyang gold fringe dress.

Ka-bonding ni Alden Richards sa party ang co-stars niya sa “The Gift” at ang cute nilang tingnan na magkakasama sa table.

X rated movie ng C1 Originals R-16 na

Mula sa X-rating ay R-16 na ang MTRCB rating ng Cinema One Originals 2019 entry na “Metamorphosis” na tungkol sa intersex.

Medyo nagulat kami dahil ang alam namin, ‘pag filmfest na ganito ay hindi na dumadaan sa MTRCB ang mga pelikula, tulad sa Cinemalaya nu’ng Agosto at ng QCinema nito lang Oktubre.

Ano kayang nangyari at biglang may MTRCB na ulit?

Isa pang tanong: ni-reedit ba ang “Metamorphosis” kaya ito naging R-16 mula sa pagiging X?

Ang sagot dito ng direktor ng pelikula na si JE Tiglao ay, “No po. It’s still the same cut.”

Ang dinig namin ay may eksena rito na may ipinakitang sex organ at kailangan daw talaga ito sa istorya.

Curious kaming mapanood ang “Metamorphosis” kung intact pa rin ang sensitive scene na ‘yon.

Bida sa coming-of-age drama about intersexuality ang bagets na si Gold Aceron. Isa siyang ‘intersex’ na parehong may ari ng lalaki at babae (‘hermaphrodite’ ang dating tawag dito) at ito ‘yung ‘I’ sa LGBTQIA.

Tila well represented ang gender spectrum sa C1 Originals this year dahil kung tungkol sa intersex ang “Metamorphosis”, gays naman ang mga bida sa LGBT ghosting story na “Sila-Sila” with Gio Gahol and Topher Fabregas.

May lesbianism sa vampire movie na “O” na tungkol din sa necrophilia at bida rito sina Jasmine Curtis Smith, Lauren Young, Anna Luna at Sarah Carlos.

Sa world cinema ay may kabadingan ang “Matthias & Maxine” at may katomboyan sa “Portrait of a Lady on Fire.”

Mapapanood na ang mga pelikula sa 15th edition ng C1 Origs filmfest hanggang Nov. 17 sa TriNoma, Gateway, Glorietta, Powerplant at Ayala Malls Manila Bay cinemas.

Regine, Alessandra, Cherie pukpukan na sa C1 Originals

Hindi maikakailang si Regine Velasquez-Alcasid ang nagdagdag ng prestige sa lineup ng entries sa Cinema One Originals filmfest this year.

Comedy na may bahid ng lungkot ang movie ni Songbird na “Yours Truly, Shirley” na first time niyang gumanap na 50-anyos na biyuda na nagpa-fangirling sa isang pop idol, na feeling niya ay reincarnation ng kanyang pumanaw na asawa.

Sari-sari ang tema ng walong entries sa C1 Originals ngayong taon kaya mamili na lang kayo ng bet niyo.

Ang iba pang entries ay “Lucid” nina Alessandra de Rossi at JM de Guzman na tungkol sa lucid dreaming, horror ang “Tia Madre” nina Cherie Gil at Jana Agoncillo, may hubaran sa romcom na “Tayo Muna Habang Hindi Tayo” nina JC Santos at Jane Oineza, tapos ay may mensaheng gustong sabihin ang “Utopia” nina Joem Bascon, Enzo Pineda, Arron Villaflor at Vin Abrenica.