Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sweldo ng Pinoy worker sa Taiwan tinaasan

0 130

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na dinagdagan ang sahod ng mga manggagawang minimum wage earner sa Taiwan, kabilang na ang mga Pilipino.

Mula sa NT$23,800 patungong NT$24,000 o nasa P41,000 itinaas ang minimum salary sa Taiwan. Gayundin sa hourly salary na mula sa NT$158 ay tataas sa NT$160 o nasa P275.

Dagdag ng POEA, simula January 2021 ay inatasan ang lahat ng institusyon sa Taiwan na sumunod sa bagong monthly minimum wage at lahat ng manggagawa ay dapat bayaran ng hindi bababa sa NT$24,000 kada buwan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.