Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Swiatek reyna sa French Open

0 96

Tagumpay na naibagahe ni Iga Swiatek ng ang 124th French Open 2020 women’s singles title nang pabagsakin si Sofia Kenin 6-4, 6-1, sa Roland Garros Stadium sa Paris nitong Sabado ng gabi (Manila time).

Dinomina ng 19-year-old Pole netter ang laban kontra sa Amerikana nsa pagpakawala nang malakas na forehand hit upang mamamayagpag.

“It’s hard to describe how special this day is for me. It’s so strange to achieve something that seemed so distant. But yup .. It’s here – I’m a grand slam champion (what?). Thank you @SofiaKenin for this final. I wish you all the best. #RolandGarros,” tweet ni Swiatek.

Si Swiatek ang unang Polish na nagwagi ng Grand Slam singles trophy. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.