Abante Tonite Interactive

‘Swine fever’ umatake uli sa Pangasinan

265

Nasa 45 na baboy ang namatay dahil sa panibagong kaso ng African Swine fever (ASF) sa lalawigan ng Pangasi­nan, ayon sa Provincial Veterenary Office-Pangasinan (PVO-Pang).

Ayon sa PVO-Pang, December 21 noong nakalipas na taon, nakapagtala ng pagkamatay ng mga baboy sa Brgy. Linoc, sa bayan ng Binmaley suba­lit hindi agad ito ini-report sa mga otoridad dahilan upang sunod-sunod na mamatay ang mga ala­gang baboy na kinalaunan ay inilibing­ sa bakuran ng mga namatayang hog raisers.

Sinabi ng ahensiya na nasa anim na hog raisers ang namatayan ng alagang baboy sa lugar.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan kung paano muling nakapagtala ng ASF gayong sinasabing na-contain na ito. (Allan Bergonia)