Abante Tonite Interactive

‘Switching’ sa karneng may ASF sinisilip

172

Masusing iniimbestigahan ng regional at central office ng Department of Agriculture ang posibilidad na may nangyaring ‘switching ride-on or ­add-on’ sa pag-deliver ng mga buhay na baboy mula sa farm patungong katayan ­matapos maiulat na positibo kamakailan ang baboy na binebenta sa isang ­supermarket sa Lungsod Quezon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na kasalukuyan pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente ang kagawaran.

Kaugnay nito, tiniyak ng quality assurance officer ng Northstar na wala ­silang nakitang mapupulang polka dots (hemorrhages) sa balat ng baboy bago nila isinakay para ideliver.

Sisiyasatin din ng tanggapan ang pagdeliver ng pork carcass galing sa Northstar MCP/CSW papunta sa isang supermarket sa Congressional Road at gayundin ang paghihiwa sa mga baboy na ibinebenta ng wholesale at retail cuts (fabrication) sa supermarket. (Riz Dominguez )