Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Switik, 21 pa tiklo sa Cavite buy-bust

0 142

Dinakip ng Cavite Police ang isang sinasabing miyembro ng Guites Robbery Drug Group at 21 iba pa sa isinagawa nilang mga buy-bust operation sa Cavite, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang naaresto na si Michael Tabana alyas ‘Zuma’, nasa wastong edad at residente ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Michael Semania ng Noveleta Police Station, dakong alas-7:00, kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Noveleta MPS sa Brgy. Magdiwang, Noveleta na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober umano mula kay Zuma ang walong piraso ng hinihinalang sachet ng shabu at ang buy-bust money.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Guites Robbery Drug Group ay sinasabing responsible sa serye ng robbery at drug pushing sa Cavite at karatig-probinsya.

Samantala, sa isinagawang magdamagang buy-bust operation, 21 hinihinalang tulak ang pinosasan sa pagitan ng alas-12:45 kamakalawa ng hatinggabi hanggang alas-2:00 kahapon ng madaling-araw sa tatlong lungsod at apat na bayan sa Cavite.

Nanguna sa may pinakamataas na bilang ng mga naaresto ang Dasmarinas City (8); sumunod ang Bacoor City (4); tig-tatlo ang Cavite City at Naic; at tigi-isa ang Kawit, Alfonso at Rosario. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.