Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Switik huli sa CCTV

0 160

Hindi nakalusot sa CCTV camera ang mukha ng isang binatilyo na tumangay umano ng pera at cellphone sa isang tindahan sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng hapon.

Umamin na rin nang nakita ng suspek na si Jerald Castillo, 18-anyos, ng Dasmariñas City ang kanyang mukha sa CCTV.

Sa reklamo nina Janice Padagdag, 41, at Emily Gabriel, 50, kay Pat. Jayson Raquel ng Dasmariñas City Police, dakong alas-4:00, kamakalawa ng hapon, nang magtungo ang biktimang si Gabriel sa tindahan ni Padagdag upang bumili ng pagkain. Hindi namalayan ng huli na nailapag niya ang kanyang cellphone sa loob ng tindahan at naiwan ito nang umalis.

Nagtungo naman ang suspek sa nasabing tindahan at nagkunwaring bibili. Napansin niya ang naiwang cellphone at pitaka kaya mabilis niya itong tinangay.

Bumalik si Gabriel sa tindahan subalit hindi na niya nakita ang naiwang cellphone dahilan upang mag-report ang dalawa sa barangay hall ng Brgy. Victoria Reyes kung saan nang nirebyu ang CCTV at napiktyuran si Castillo na papalayo sa lugar sa mismong oras na paalis si Gabriel.

Dahil dito, ginalugad ng mga pulisya at barangay tanod ang lugar. Naaresto ang suspek at nakuha pa sa kanyang posesyon ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P13,000, at P1,270 cash. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.