Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Switik na kasambahay, buking sa amo

0 315

ARESTADO ang isang kasambahay nang tinangkang ipuslit ang cash at gamit ng kanyang amo sa Cavite.

Kinilala ang kasambahay na si Ma. Fatima Isabella Yap, 30, stay in sa bahay ng amo na si Bea Angelique Ramada, 26, ng Imus City, Cavite.

Sa salaysay ni Ramada sa Imus City Police, alas-10:30 kamakalawa ng gabi pag-uwi nito

SM SuperKidsDay Banner Ad

galing sa outing ay napansin na tila may kakaibang ayos sa loob ng kanilang bahay. Paglabas nito ay napansing nagtatago sa may garahe ang kanilang kasambahay at nabuking na hawak ang kanyang alkansiya na naglalaman ng P6,000 cash, mga make up, pabango na umabot sa P15,000 dahilan upang ipaaresto niya ito.

Kasong qualified theft ang isinampa laban kay Yap. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.