Abante Tonite Interactive

Sylvia, Art bumuti ang kalagayan sa COVID

578

NI:RONA RONDA

Nagbigay ng update si Ria Atayde sa kondisyon ng kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde na nagpositibo sa COVID-19.

Tugon ni Ria kay Gretchen Fullido via a text message, mabuti naman umano ang kalagayan nila.

“Mom and dad seem to be getting better as the days come along. Slowly but they’re getting there,” saad ng kanyang mensahe.

Sa ngayon ay naka-isolate na sa kanilang tahanan na ang mag-asawa matapos isugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Ibinahagi rin ni Ria na bukod sa kanyang magulang ay wala na umanong nagpapakita ng sintomas sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad