Abante Tonite Interactive

Sylvia iniyakan ni Rhea

0 591

NI: ROLDAN CASTRO

DALAWANG milestone ang pinagdiriwang ng Beautéderm Corporation .

Una ay ang pag-renew kay Sylvia Sanchez bilang Face of Beautederm.

Ang pangalawa ay nag-launch ng bagong line of all-natural products.

Mahalaga ang renewal na ito dahil nagwagi si Sanchez at mister niyang si Art Atayde sa kanilang laban sa COVID-19.

“It was a dark moment in my life,” sabi ni Sanchez. “Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that

great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”

Ayon naman sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan, “Para ko na siyang Ate. Umiyak ako nung nag-positive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart.”

Dagdag pa ni Sanchez na hindi lang business ang relasyon niya sa Beautéderm, “Proud ako sa pag-endorse ng

Beautéderm with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. Rei’s good heart and generosity inspires me

dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”

Samantala, upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set – na lahat at pawang FDA notified.

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” lahad pa ni Ms. Rei.

Tonite – Wendys Inhouse Ad