Abante Tonite Interactive

Sylvia ipinagtanggol ang pagmamaldita ni Sue

By
0 6,545

Natutuwa  si  Sylvia Sanchez na tinatanggap ng mga fans ang love team ng anak niyang si Arjo  Atayde at Sue Ramirez para sa panghapong programa ng ABS-CBN 2 na  “Hanggang Saan. ” Parami nang parami ngayon ang Team ArSue.

“Si Ate Ces Quesada ang President, ako ang Vice President,” pagbibiro niya sabay tawa.

Ano naman ang reaksyon niya na nag-dirty finger diumano  si Sue sa isang matanda?

“Hindi ko kasi nakita kung  ano talaga nangyari kaya hindi ako  makapag-comment,” pakli ng ambassador ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan .

“ Si Sue kasi  prangka .Sa akin respectful naman ‘yung bata. Mabait na bata si Sue,” bulalas pa ni Sylvia.

“Ang importante naman ay nag-sorry na yata siya,” dagdag pa ni Sylvia.

Anyway, masaya rin  ang aktres na almost 3 months na rin silang magkatrabaho ni Arjo.

“Kasi pag nagti-taping ako palagi hindi ko nakakasama ang mga anak ko. This time, meron akong kasama na anak ko. Nami-miss ko man ‘yung iba kong anak, meron akong isang anak na nasa set so , ano, di ba lumuluwag din ‘yung pakiramdam ko,” lahad pa niya.

Kumusta na si Arjo bilang actor?

“Marunong na si Arjo,” mabilis niyang  sagot.

Pinapakawalan na raw niya ito pag nagkaka-eksena sila.

Sinabi pa ng aktres na madaming twists na mangyayari  sa “Hanggang Saan” na  hindi inaasahan ng mga televiewers kaya tutukan daw ito.