Abante Tonite Interactive

Sylvia kinasuklaman ng AlDub

783

May mga AlDub fantard naman na poot na poot sa mahusay na aktres.

Nakakaloka, may mga AlDub fantard na suklam na suklam at dinaan ang kanilang mga hinaing sa social media.

Ang dakilang aktres na si Sylvia Sanchez ay nag-post ng family dinner larawan. Sa nasabing photo, not once, but twice na makikita na ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza, kasama sa Atayde family dinner at katabi ang kanyang beloved na si Arjo Atayde.

Siyempre pa, ang mga Aldub fantard, nagdabog ang collective bangs. Umusok ang mga ilong, bumuga sa social media na kesyo si Ms. Sylvia, may I super photoshopped ang larawan para “maisama” si Mendoza. Pinaratangan itong “ginagamit” na naman ang dalaga. Kulang na lang ipamukha nilang “sinungaling” at “best in drawing” ang dakilang aktres.

Meron pa silang pinupuna tungkol sa restaurant venue at may emote-emote pa tungkol sa lighting.

Ang tanging reaksyon lamang ni Ms. Sylvia sa kanila, buong ningning nitong ibinahagi ang pangalan ng kanilang kinainan, sinabi pa kung saan ang lokasyon. Siyempre pa, spell pahiya with a capital P ang mga fantard.

Itong mga AlDub fantard talagang mga ito. Gumising sa katotohanan na imposible na ang “romansa” na kanilang inaasam para kina Maine at Alden Richards.

Maligayang-maligaya na si Menggay sa bisig, piling at pagmamahal ni Arjo. (Alwin Ignacio)