Abante Tonite Interactive

Sylvia , Marian sanib-puwersa sa pagpapaganda

564

By Roldan Castro

Patuloy ang Beautederm Corporation sa paghahanda sa nalalapit nitong ika-10 anibersaryo.

Kamakailan ay nag-renew si Sylvia Sanchez bilang isa sa mga top celebrity endorsers nito. Ilulunsad na rin si Ejay Falcon bilang bagong member ng Beautederm family. Nakatakda na ring pumirma ang isang Kapuso actor na galing sa sikat na love team.

“Isang malaking inspirasyon si Sylvia sa napakadaming mga kababaihan who are wearing so many caps in their lives – mga babaeng may karera na mga asawa at ina ring katulad ko” sabi ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, Presidente at CEO ng nasabing kompanya.

“Sylvia represents so many working mothers who are balancing both career and family. She is also trusted by countless Filipinos and as a brand ambassador of Beautederm, I must say that she has really helped the company in its success today,” dagdag pa ni Madam Rei (palayaw ni Ms. Rhea).

Sey naman ni Sylvia: “Kailangan kong alagaan ang aking kalusugan and feel good about myself before bago ako magpamudmod ng pagmamahal sa aking pamilya at karera.

“Beautederm makes me feel beautiful inside and out. Ilang taon nang bahagi ang Beautederm ng aking daily regimen. Hindi ito pumalya sa pag-refresh at pag-invigorate ng aking kutis. Nagpapasalamat ako kay Rei sa tiwala.

“Hindi lamang ako endorser dahil depot seller na rin ako sa hometown ko sa Butuan City. The brand has given countless women jobs that they can be proud of and that enables them to help their families,” aniya pa.

Itinatag ng Beautederm noong 2009 ng President at CEO nito na si Rhea Anicoche-Tan. Kinakatawan ng Beautederm ang prinsipyo ni Rhea na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga natin sa ating mga sarili, at dahil dito mas magiging malusog ang isang tao at makakapagpamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi pati sa kabuuan ng pagkatao.

Anyway, ngayong nanganak na si Marian Rivera, sanib-puwersa na sila ni Sylvia sa Beautederm Family at sa nalalapit na 10th anniversary. Kasama rin sina Arjo Atayde, Carlo Aquino, Ejay Falcon, Alma Concepcion, Alex Castro, Shyr Valdez, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Rochelle Barrameda, Jimwel Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes, Jestoni Alarcon, Kitkat, Boobay, Alynna, Luke Mejares, Dessa, Jinky Vidal, Anne Feo, Darla Sauler, Pauline Mendoza, Ryle Santiago, mga politician at beauty queen.