Abante Tonite Interactive

Sylvia nag-MRT para mapanood si Celine Dion

By
3,365

Kabilang ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa libo-libong nanood sa sold out concert ni Celine Dion na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Arena last Thursday. At para makarating lang sa show ng singer na isang Grammy winner, napilitang sumakay ng MRT si Ms. Sylvia.

“Oo, sumakay kami ng MRT,” saad ng award-winning Kapamilya aktres.

Esplika pa niya, “May interview kasi ako sa Quezon City, papunta kami nang 6pm sa MOA pero sa Kamuning pa lang, sobra ang traffic, wala nang galawan talaga. Kaya bumaba kami sa Kamuning Station at nag-MRT na kami. Bale kasama ko sina Menggay at Cherry, mga P.A. ko at si Monica Reyes na make-up artis­t ko.

“Bale mula sa MRT… at pagdating sa Taft Avenue, dapat ay susunduin ako ng asawa ko from Heritage Hotel siya manggagaling. Kaso bumper to bumper din doon kagabi, kaya pagdating ko sa Taft ay nag-taxi na kami going to MOA.

“Pero okay naman, masaya naman. Nag-enjoy ako at nalagpasan ko ang lahat ng traffic,” nakangiting saad pa ni Sylvia.

Nabanggit din ng ermat nina Arjo at Ria Atayde na originally, hindi siya fan ni Celine Dion.

“Nope, noon ay hindi ako Celine Dion fan. But after ko siya mapanood sa concert niya sa Caesars Palace sa Vegas, naging ins­tant fan niya ako, ang galing niya, no lip synch at magiliw siya sa mga audience.

“Ang ganda-ganda ng show niya sa Vegas, kaya noong nalaman ko na magko-concert dito si Celine, I made sure na mapapanood ng asawa ko (Art Atayde) ang concert ni Celine,” aniya pa.

Pahabol pa ni Ms. Sylvia, “Magaling talaga siya! Mula umpisa hanggang katapusan, consistent sa energy at ang ganda ng bose­s ni Celine. At ang pinakamaganda, nakikipag-­usap siya sa mga audience­, pinapa-participate niya ang audience. Superb concert for me!”

Sa darating na event ng Beautederm ay mag-ala Celine Dion kaya ito sa pagkanta?