Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sylvia pinusuan ang pagtakbo ni Arjo

0 173

Walang detalye pero pinusuan lang umano ni Sylvia Sanchez ang napapabalitang pagpasok ni Arjo Atayde sa politika .Hindi siya nagbigay ng komento.

Ayon sa report ng politics.com.ph (Politiko) posible raw na tatakbo siyang Congresman sa 5th District ng Quezon City. Ito ay sa partido nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

SM food to go Banner Ad

Pinag-aaralan daw mabuti ng 30 year old ang dapat gawin para sa bagay na ito. Sa ngayon ay masusi raw ang kanyang pag-aaral para maging handa sa bagong mundo na papasukin. Balitang makakalaban ni Arjo pag nagkataon ang kapatid ni Alfred Vargas na balak tumakbo rin sa kongreso.

Wala namang direktang sinasabi ang parents ni Arjo sa bagay na ito. Maging ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza. Pero siguradong magiging buo ang suporta nila kapag itinuloy niya ito. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.