Abante Tonite Interactive

Sylvia todo-iyak na tinamaan ng coronavirus

1,236

NI: RONA RONDA

Iyak nang iyak si Sylvia Sanchez nang makausap ng aming source pagkatapos ianunsyo sa kanyang Instagram na nag-positibo siya sa COVID-19. Sumunod siya kina Christopher de Leon , Iza Calzado na dinapuan ng sakit na ito.

Maging ang asawa ni Sylvia na si Arturo Sanchez ay nagpositibo rin.

Ayon sa kanyang post, “Hi everyone, On March 24, my husband and I were bought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath. We were made to take covid-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated.”

Isang linggo matapos ang isinagawang test ay nagpositibo silang mag-asawa. Inulan naman ng panalangin mula sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Komento ni Jason Abalos,” Get well soon tita aand Tito Art.”

Sey naman ni Kitkat, “Healing prayers for u my tita @sylviasanchez and Tito Art…. iloveu.”

Samantala, nagpaabot din ng mensahe at dasal para sa agarang paggaling ng mag-asawa sina Sunshine Garcia, Glenda Garcia, Regine Angeles, Teejay Marquez, Dianne Medina, Angeli Pangilinan .

Tonite – Wendys Inhouse Ad