Abante Tonite Interactive

Sylvia wala sa kalingkingan ni Nora

By
203

Masaya ang award winning actress na si Sylvia Sanchez dahil sa sunod-sunod na naman ang mga proyektong pinagkakaabalahan niya ngayon.

Bukod kasi sa sisimulan niyang bagong teleserye sa ABS-CBN with JM de Guzman, umeere na ngayon ang online show niyang ‘Sylviahera’ ng CasaNieves.TV.

Gumiling na rin ang kamera recently para sa ba­gong pe­likula ni Ms. Sylvia, ang ‘Jesusa’ ni Direk Ronald Carballo. Ori­ginally ay para kay Ms. Nora Aunor ang pelikulang ito, pero walang kaso ito sa kanya.

Sa aming huntahan ay nabanggit ng Kapamilya aktres na aminado siyang wala sa kalingkingan ng Superstar.

Saad niya, “Siyempre natuwa ako, kay Nora iyon, kaya ibig sabihin ay maganda iyon, hindi ba? Pero huwag namang sabihin na ka-level ko si Nora, dahil never kong magiging ka-level si Nora.

“Huwag tayong managinip, huwag tayong mangarap, doon tayo sa katotohanan… na never na never akong magiging ka-level ni Nora. Kahit kalahati nang narating ni Nora ay hindi ko narating. Alam mo iyon?”

Pahabol pa ni Ms. Sylvia, “Thankful lang ako na after kay Nora, sa akin in-offer ang pelikulang Jesusa.”
Hanggang kailan ang contract niya sa ini-endorse niyang BeauteDerm? “Hanggang itong March or April?”

Pero nag-usap na ba sila ni Ms. Rei Tan? “Wala pa. Hindi naman kami nag-uusap, sabi naman niya, ‘O, Ate ha? Sa pag-renew mo.’ Gumaganoon naman siya, pero wala pa kaming usapan… bahala na kung anong mangyari,” pakli pa niya.
Pero gusto ba niya ituloy? “Kung mag-offer, why not, ‘di ba? Oo naman, oo naman, wala namang problema, kung kailangan pa ‘yung service ko, kailangan pa ako as endorser, why not? Kung hindi na, eh ano’ng magagawa natin,” aniya pa.